Guns and Roses, magco-concert sa  Pilipinas sa Nov. 11

Magtutungo sa bansa sa kauna unahang pagkakataon ang American rock band  na Guns and Roses.

Darating sa Pilipinas ang sikat na banda sa November 11 para sa isang konsyerto.

Gaganapin ang concert  sa Philippine arena sa Ciudad de Victoria sa Bocaue Bulacan para sa kanilang  ‘not in this lifetime’ tour.

Ilalabas naman ang tickets para sa concert sa June 9.

Bukod sa Pilipinas ay  bibisita din ang Guns and Roses sa  Jakarta, Kuala Lumpur , Taipei, Hongkong at Abu Dhabi sa Nobyembre.

Ang Guns n’ Roses  ay sumikat sa kanilang rock classics  na Sweet child o’ Mine, Paradise city, at November rain.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *