Halaga ng mga bibilhing bakuna ipinasasapubliko ng isang Senador

Inoobliga ng isang Senador ang gobyerno na isapubliko ang presyo ng lahat ng bibilhing bakuna ng pamahalaan.

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri , hindi maaaring isangkalan ng mga opisyal ng gobyerno ang non disclosure agreement sa mga manufacturer ng bakuna.

Paalala ni Zubiri , hindi maaring gamitin ang non disclosure agreement sa mga government fund dahil kailangan ng auditing sa anumang ginastos ng pamahalaan.

Uungkatin niya raw ang isyu kung magkano ang babayaran sa bawat biniling bakuna sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado dahil bahagi ito ng requirements ng Commission on Audit.

Pagpapaliwanagin rin ni Zubiri ang Department of health kung bakit lumagda sa kasunduan sa China para sa SINOVAC samantalang aabot lang sa 50 percent ang bisa nito.

Meanne Corvera

Please follow and like us: