Halos 100 intelligence officers ng Bureau of Immigration, ni-reshuffle

Nagpatupad ang Bureau of Immigration ng balasahan sa halos 100 intelligence officers nito sa NAIA.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, bahagi ang reshuffle ng mga kawani nito para mas mapagbuti ang serbisyo at masawata ang kurapsyon sa kawanihan.

Bukod sa mga BI intelligence unit, ni-reshuffle din ang mga job order employees na nakatalaga sa border control and intelligence unit o BCIU na nakatalaga sa NAIA.

Ang mga BCIU personnel ang responsable sa pag-monitor at pag-profile ng mga dayuhang pasahero at tumutulong sa immigration officers sa pagtukoy sa mga iligal na operasyon ng mga sindikato sa human trafficking.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *