Halos 200 sa mga sinuri dahil sa posibleng kaso ng Covid-19, nag-negatibo sa virus

Umakyat na sa 382 ang kabuuang bilang ng Patient Under Investigation (PUI) na naitala ng Department of Health dahil sa Corona Virus Disease 19 o Covid-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang kahapon Pebrero 11, 266 sa mga ito ay kasalukuyang naka-admit pa rin.

Nananatili namang 3 ang nagpositibo sa Covid 19.

Sa mga nagpositibong ito, dalawa ang gumaling na habang nasawi naman ang isa dahil sa severe pneumonia.

Habang nasa 196 ang nag negatibo sa virus.

Nakapending naman ang resulta ng pagsusuri sa 183 pang sample na nasa RITM.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us: