Halos 2,000 aplikante natanggap sa trabaho sa Independence Day Job fair ng DOLE

                                           photo credit: pia.gov.ph

Kabuuang 1,911 na aplikante ang natanggap sa trabaho sa isinagawang Independence Day job fair ng DOLE.

Sa ulat ng Bureau of Local Employment kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi na 16, 648 na aplikante ang dumagsa  sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan o TNK job and business fair ng DOLE at DTI sa ibat-ibang lugar sa bansa noong June 12.

Karamihan sa mga hired on the spot ay aplikante para sa service crew, production machine operator, office clerk, call center/customer service representative, cashier, enumerator, accounting staff/officer, production worker/factory worker, sales clerk/salesman, at car washer.

Bukod sa halos 2000 na hired on the spot, nasa 3659 naman ang near-hires.

Ang mga ito ay ang mga aplikante na itinuturing na tanggap na sa trabaho pero kailangan pang magsumite ng mga karagdagan o kulang na requirements o sumailalim pa sa interview o exam.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *