Halos 300 Volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Mayon sa loob ng 24 oras

Halos 300 volcanic earthquakes at 52 rockfall events ang naitala ng Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs sa Bulkang Mayon.

Ayon kay Phivolcs Bicol Regional Chief Ed Laguerta, nakapagtala rin ng steam explosions at serye ng lava fountaining sa bulkan.

Namemeligro aniya ang mga komunidad sa paanan ng Mayon dahil maaaring mag-over flow ang lahar mula sa dalisdis ng Bulkan sa oras na bumuhos ang malakas na ulan.

Sakaling rumagasa ang lahar, magreresulta ito sa mas malaking delubyo lalu’t hindi pa natatapos ang pag-aalburuto ng Mayon.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *