Halos 600 milyong pisong pondo, inilaan ng DA para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Rolly

Nasa halos 600 milyong pisong pondo ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mahigit 32,000 mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bicol region.

Ito ay sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) .

Samantala, pinangunahan ni Agriculture secretary William Dar ang pamamahagi ng 90 miyong pisong halaga ng iba’t -ibang ayuda sa apektadong magsasaka at mangingisda sa Polangui,  Albay.

Kabilang sa ayudang tinanggap ng mga apektadong magsasaka at mangingisda ay binhi ng hybrid rice, mais at ibat ibang uri ng gulay, urea fertilizers, farm implements, fishing gears at paraphernalia.

Ang PCIC insured na mga magsasaka at mangingisda sa bicol  region ay makatatanggap ng  insurance claims mula 10,000 piso hanggang 15,000 piso para sa kanilang crops, farm equipment, fishing boat at gears na sinira ng bagyo.

Sinabi pa ni Dar na maaari ding makapag-avail  ang mga naapektuhang magsasaka at mangingisda ng Emergency at Rehabilitation loan na nagkakahalaga ng 25,000 piso mula sa Agricultural Credit and Policy Council  o ACPC ng DA  sa ilalim ng  Survival and Recovery o SURE Loan Program.

Ang loan ay walang collateral,  walang interest at maaaring bayaran sa loob ng 10 taon.

Belle Surara

Please follow and like us: