Halos P7-M na halaga ng shabu, nasabat ng BOC – Port of NAIA

Aabot sa 6.8 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of NAIA.

Ayon sa BOC, ang package ay mula sa Malaysia at idineklara bilang multi-function pressure cooker.

Pero matapos inspeksyunin, may mga nakitang nakatagong shabu sa loob nito.

Aabot sa 1,011 grams ng iligal na droga ang nakuha mula rito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: