Health Center On The Go Bus, umarangkada na sa QC

Nakipagtulungan sa Quezon City government ang isang kilalang Pharmaceutical company sa bansa na gumagawa ng Healthcare products at gamot.

Ayon sa City government, nagkaloob ng tatlong Health center on the Go bus ang Pharmaceutical company.

Sa bus na ito, magkakaroon ng libreng konsultasyon ang mga residente ng lunsod.

Bukod dito, magkakaroon din ng pagbabakuna sa mga sanggol upang sila ay maproteskyunan laban sa Rubella, Polio at Tigdas.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na mas madali nang kumonsulta sa mga doktor dahil pupunta na sila sa mga Barangay upang mapalapit sa mga nanganganilangan ng atensyong medikal.

May LED screen ang mga bus upang maipakita din ang iba pang ginagawa ng lungsod habang naghihintay ang mga pasyenteng kokonsulta sa doktor.

Belle Surara

Please follow and like us: