Health Secretary Francisco Duque hinikayat ang mga COVID-19 laboratory na magbukas ngayong holiday season

Personal na ininspeksyon ni Health Secretary Francisco Duque III ang ilang COVID- 19 laboratories sa Makati City.

Kasama ni Duque naNg inspeksyon ang ilang opisyal ng DOH, Center for Health Development at Department of Trade and Industry.

Layon ng inspeksyon na makita ang kahandaan ng mga laboratoryo sa posibilidad ng holiday surge ng COVID-19 cases.

Kasabay nito, umapila si Duque sa mga COVID-19 laboratory na magbukas at tuloy parin ng operasyon ngayong holiday season.

Nagpasalamat naman si Duque sa effort na ginagawa ng mga nasabing laboratoryo.

Pero ayon sa kalihim kailangang maging handa sila sa pagtugon sakaling tumaas ang testing demand.

Madz Moratillo

Please follow and like us: