Health Secretary Francisco Duque III at Mayor Isko Moreno,nag inspeksyon sa Divisoria

Personal na nagtungo sina Health Secretary Francisco Duque III at Mayor Isko Moreno sa Divisoria sa Maynila para magsagawa ng inspeksyon.

Kasunod ito ng pagdagsa ng mga taong namimili sa Divisoria lalo na ngayong malapit na ang Holiday season.

Pinaalalahanan naman nila ang publiko lalo na ang mga namimili sa Divisoria na tiyaking may 1 metro distansya mula sa iba at magsuot ng face mask.

Natuwa naman sina Duque at Mayor Isko na may ilang tindahan na may nakahandang alcohol spray para sa mga customer nito.

Bago ang inspeksyon, nagtungo muna si Duque sa tanggapan ni Mayor Isko.

Sa kanilang pulong, napag usapan ang mga programang pangkalusugan ng Manila LGU na ipinatutupad laban sa COVID-19.

Matapos ang pulong ng dalawa, niyaya naman ni Duque si Mayor Isko na sumama sa gagawin nitong inspeksyon sa Divisoria.

Ayon kay Duque mag iikot sya sa mga matataong lugar para mag – inspeksyon at masigurong nasusunod ang minimum health standards at protocols bilang pag iingat sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: