Acting Chief Justice Antonio Carpio, kinondena ang pagpaslang sa isang Judge sa Camarines Sur

Nanawagan si Senior Associate Justice at Acting Chief Justice Antonio Carpio sa mga otoridad na gawin ang lahat ng nararapat na hakbangin para mabigyan ng hustisya ang pinaslang na judge sa Camarines Sur.

Kinondena ni Carpio ang pagpatay kay Presiding Judge Ricky Begino ng Metropolitan Circuit Trial Court ng San Jose -Lagonoy, Camarines Sur.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Carpio sa pamilya ni Judge Begino.

Umapela si Carpio sa mga otoridad ng mabilis at malalimang imbestigasyon sa insidente .

Si Begino ay binaril ng salarin na kinilalang si Wilfredo Armea sa tapat ng bahay nito sa Presentacion, Camarines Sur nitong Martes ng hapon.

Nadala pa sa ospital ang hukom pero binawian din ng buhay.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *