Emergency Room ng Gat Andres hospital, pansamantalang isinara dahil sa hinihinalang kaso ng Meningococcemia

 

Pansamantalang isinara sa publiko ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio memorial medical center sa Tondo, Maynila matapos ma-admit ang isang pasyente na hinihinalang mayroong Meningococcemia.

Kinumpirma ni Dr. Rolan Mendiola, senior house officer ng ospital na isang 55-anyos na babae ang nadala sa ospital na may sintomas ng sakit.

Bagaman hindi pa kumpirmadong Meningococcemia nga ang sakit ng babae, minabuting isara pansamantala ang emergency room para maisailalim sa fumigation at disinfection.

Mananatiling nakasara ang ER ng ospital habang hinihintay ang resulta ng laboratory test at blood culture na isinagawa sa pasyente.

Sa ngayon ay nasa isolation room ang pasyente.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *