Libreng dengue immunization program ipagkakaloob sa apat na siyudad

Palalawakin ng DOH ang coverage ng kanilang dengue immunization program na ipinagkakaloob ng libre.

Makakakakuha na ng libreng dengue vaccination ang mga batang edad 9 hanggang 14 na taong gulang sa apat na siyudad sa Metro Manila.

Kabilang dito ang Q.C., Caloocan, Manila at Makati.

Ayon kay Dr. Rhodora Cruz, head ng DOH, National Dengue  Prevention and Control Program, maaaring magpunta ang mga naturang bata sa health centers o city health offices ng nabanggit na mga siyudad.

Ibinibigay ang bakuna sa tatlong magkakahiwalay na doses, tuwing ika anim na buwan.

Sinabi ni Cruz  na pinili nila ang apat na siyudad dahil nakapagtala doon ng mataas na kaso ng dengue kung saan may tatlumpu at lima ang namatay.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *