Pitong milyong katao namamatay dahil sa Air pollution, ayon sa WHO

Inilunsad ng Health care without harm,  ang “Health care for Cleaner air Alliance upang bigyang solusyon ang suliranin ng air pollution sa bansa.

Ayon kay Ramon San Pascual, Executive Director ng Health care without Harm,  dapat na maging  maingat sa lahat ng ating ginagawa dahil nakasalalay dito ang ating kalusugan.

Kabilang dito ang hanging ating nalalanghap, – aniya, kung ito ay marumi, napakaraming sakit ang maaaring makuha sa paglanghap ng maruming hangin sa kapaligiran.

Kabilang dito ang sakit sa puso, stroke, chronic obstructive pulmonary disease, lung cancer at pneumonia.

Samantala, ayon sa World Health Organization o WHO., pitong milyong  katao ay namamatay taon taon dahil sa pagkakalantad sa  polluted air.

Binibigyang diin ng mga dumalong health professionals at  environmental and health advocates na  responsible sila upang ipagtanggol ang publiko laban sa mapanganib na sakit na dulot ng air pollution.

 

Ulat n Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *