Healthcare System ng Bansa Pinangangambahang Magcollapse

Nababahala si Senator Francis Pangilinan na mag collapse ang healthcare system ng bansa kapag hindi naagapan ang patuloy na pagkakasakit ng mga medical frontliners.

Tinukoy ni Pangilinan ang mahigit isandaang mga staff ng Philippine Orthopedi Center na nagpositibo sa virus dahilan kaya pansamantalang ipinatigil ang ilan nilang mga medical services.

Giit ng senador dapat gamitin ng gobyerno ang mga inilaang pondo para maagapan ang mga posibleng nahawahan ng virus at hindi na humantong sa malala ng sitwasyon at magtungo sa mga ospital.

Tinukoy ni Pangilinan ang mahigit 1.9 billion na pondo sa Bayanihan law one at 10 billion pesos na stand by funds para sa testing at vaccine na nasa ilalim ng department of health.

Giit ng senador kailangang may libreng mass testing para mabilis na matukoy at mai isolate ang mga posibleng carrier ng virus.

Statement of Sen. Kiko Pangilinan, apakan na ang gas. Testing, tracing, isolation, at treatment, ang apat na gulong ng ambulansya kontra Covid.

Lahat ng gawain ng pamahalaan ay dapat nakatuon sa pagpapabilis ng ambulansya para maunahan ang impeksyon at masalba tayong lahat.

Please follow and like us: