Heat stroke, pinakamalalang Heat-Related disorder, ayon sa mga eksperto

Lalong pinag-iingat ng  mga eksperto ang mga taong may heart failure laban sa heat stroke.

Ayon sa mga eksperto, ang heat stroke ang pinakamalalang heat-related disorder na maaaring dumapo kahit kanino.

Mahalagang laging hydrated ang pasyenteng may heart illness sa pamamagitan ng pag-inom ng 8 hanggang 12 basong tubig.

Hindi  rin dapat na nagbibilad sa araw ang isang taong may sakit sa puso dahil mapanganib kapag siya ay dinapuan ng heat stroke.

Magiging sanhi ito ng komplikasyon tulad ng heart attack at stroke.

Payo ng mga eksperto, kapag may sakit sa puso, ngayong tag- init,  mas dapat na bantayan ng  isang taong  may heart illness ang  kanyang kundisyon.

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *