Henry Sy, nananatiling pinakamayamang tao sa Pilipinas

Nangunguna pa ring pinakamayamang tao sa Pilipinas ang negosyanteng si Henry Sy.

Ayon sa Forbes magazine, aabot ang networth ng business tycoon sa 20 billion dollars.

Mas mataas ito noong nakalipas na taon na 12.7 billion dollars.

Sa listahan ng Forbes, pang-52 ang ranking ni Sy sa buong mundo.

Ito na ang pang-10 taon ni Sy na itinuturing na pinakamayamang tao sa bansa.

Samantala, nanguna naman sa unang pagkakataon na pinakamayamang tao sa buong mundo ang amazon.com founder na si Jeff Bezos na mayroong 112 billion dollars na yaman habang pangalawa sa listahan si Microsoft founder Bill Gates na mayroon lamang 90 million dollars na yaman.

 

=============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *