Hepe ng documents at records section ng Bucor, kinastigo ni Senador Ping Lacson dahil sa pagsisinungaling

Kinastigo ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Ramoncito Roque dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng Senado.

Sa pagdinig ngayong araw itinanggi ni Roque na kilala nya si Yolanda Camelon pero lumitaw na kapitbahay nya pala ito sa loob ng NBP compound.

Ipinaulit ni Lacson kay Camelon ang kaniyang mga testimonya kung consistent ang mga detalye sa ibinunyag nitong bayaran.

Lumakas naman ang duda ng mga Senador na isinama sa priority ng Bucor ang pagpapalay kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Depensa naman ni dating Bucor director Nicanor Faeldon ang kaniyang assumption nang ipadala sa kaniyaj ang papeles ni Sanchez dumaan ito sa lahat ng proseso.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *