Hepe ng Toll Regulatory Board o TRB, ipinasisibak

Pinagbibitiw ni Senador Sherwin Gatchalian ang hepe ng Toll Regulatory Board matapos ang matinding traffic congestion dahil sa palpak na implementasyon ng cashless payment.

Ayon sa Senador, malinaw na walang ginawang aksyon ang TRB sa isyu at hindi alam ng mga opisyal ang kanilang trabaho.

Malinaw naman aniya sa batas na dapat ang TRB ang magre-regulate sa mga tollway para maging maayos ang sistema.

Isa si Gatchalian sa mga nagsusulong na maimbestigahan ang idinulot na problema ng implementasyon ng Radio Frequency Identification o RFID para maiwasan ang cash payment at hindi na kumalat ang COVID 19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: