High value target ng PDEA, arestado sa buy bust operation

Arestado ang itinuturing na high value target (HVT) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isinagawang anti-drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Pangasinan at PNP Rosales, sa Barangay Tomana East sa Rosales, Pangasinan.

Nakumpiska mula kay Macmod Sultan Cabugatan, ang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo, at nagkakahalaga ng 340,000.

Nakuha rin sa suspek ang buy bust money, mobile phone, identification card at motorsiklo na ginagamit niyang service vehicle.

Ayon sa team leader ng operasyon, mahigit isang taon na nilang minamanmanan ang ilegal na gawain ni Cabugatan, kung saan nag-o-operate ito sa silangang bahagi ng Pangasinan, at nakararating pa hanggang sa La Union.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng PDEA Pangasinan, kung saan mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ulat ni Herminio Diano

Please follow and like us: