Higit 1.3 million doses ng Moderna vaccine, dumating sa bansa ngayong hapon

Dumating sa bansa ngayong hapon ang mahigit 1.3 milyong doses ng Moderna vaccine na binili ng pamahalaan at pribadong sektor.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa naturang bilang, 885,700 ang para sa gobyerno, habang 477,600 naman ang para sa pribadong sektor.

Dahil dito, nasa mahigit 85 million doses na ng bakuna kontra Covid-19 ang natanggap ng Pilipinas simula Pebrero ng taong ito.

Nasa higit 22 milyong Filipino naman ang fully vaccinated na.

Please follow and like us: