Higit 400,000 pisong halaga ng shabu, nasabat sa Buy-bust operation sa Quezon City….3 arestado

Naaresto sa ikinasang drug buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) station 5 ang tatlo katao sa Barangay Greater Fairview, Quezon City kagabi.

Target ng operasyon ang isang Mangopia Panod na talamak anila ang ginagawang pagtutulak ng shabu.

Naaresto din ang dalawang kasamahan nito na sina Kamim Shariff at Ricardo Alquizer.

Posible anilang supplier din ang mga suspect ng shabu sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila maging sa karatig na mga probinsya.

Itinanggi naman ng mga suspect na sa kanila nanggaling ang mga shabu.

Bukod sa 70 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 476,000 piso, nakumpiska rin sa mga suspect ang buy bust money.

Ang mga suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *