Higit 540,000 OFW na naapektuhan ng Pandemya, nakauwi na sa bansa

Nasa kabuuang 544,624 overseas Filipino workers (OFW) na ang napauwi na ng bansa na naapektuhan ng Covid-19 Pandemic.

Ito ang ipinahayag ni Department of Labor and Employment-International Labor Affairs (DOLE-ILA) Bureau Director Alice Vispera.

Ang mga Pinoy ay nabigyan na rin aniya ng assistance sa pamamagitan ng Covid Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE.

Pero sinabi ni Vispera na mayroon pang 49,000 OFWs na nakahanda nang umuwi sa bansa sa tulong ng gobyerno.

Please follow and like us: