5,823 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa ngayong araw

Pumalo na sa 2,745,889 ang kabuuang kaso ng Covid-19 at 66,838 active cases sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 5,823 kaso ng virus infection ngayong Biyernes.

Ayon sa Department of Health (DOH), 2 laboratoryo ang bigong makapagsumite ng mga datos.

Samantala, umakyat naman sa 2,637,531 ang kabuuang gumaling sa karamdaman matapos maragdag ang 4,748 bagong recoveries.

Habang nakapagtala ng bagong 283 bagong mga namatay kaya umabot na sa 41,520 ang death toll.

Please follow and like us: