Higit 70 Barangay sa Butuan city, mananatili sa MECQ hanggang September 30, 2021

Pinalawig pa ng hanggang September 30, 2021 ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa 76 Barangay sa Butuan city.

Sa ipinalabas na resolusyon ng One Caraga Shield, Regional Task Force on Covid-19, ang ekstensiyon ay magsisimula sa September 23, mula sa unang pagsasailalim nito sa MECQ mula September 7 hanggang 22.

Tanging nasa 10 Barangay lamang sa lungsod ang nasa General Community Quarantine (GCQ).

photo: Butuan city PIO

Ang curfew hours ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang 5:00 ng umaga ang liquor ban.

Extended din ang paggamit ng color-coded quarantine pass hanggang katapusan ng buwan.

Hanggang kahapon, September 22, ay nakapagtala ang Caraga Region ng 704 bagong mga kaso ng Covid-19 kaya pumalo na sa 39,643 ang kabuuang kaso na may 6,713 active cases.

Tumaas din ang bilang ng mga namatay sa rehiyon na nasa 1,284.

Please follow and like us: