Hindi ba dapat na mag-focus sa decongestion ng Metro Manila?

Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority o PSA na nasa 109 million na ang populasyon ng Pilipinas. Nakalulungkot na ang iba ay walang pagpaplano ng pamilya o family planning.

Panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang ipatupad ang family planning, noong Martial Law nasa 37 milyon pa lang ang populasyon natin, dekada ’70. Ilang dekada ang lumipas (5), so after 50 years, ilang milyon ang Pinoy ngayon?

109 M mahigit at nadadagdagan pa sa bawat minuto, dahil may ipinapanganak. May nagsabi nga na ang Pilipinas, maliit na bansa pero kabilang sa top 20 na pinakamaraming populasyon sa mahigit na 200 bansa sa buong mundo.

‘Yan ang problema natin, sa dami natin, ang resources natin pati sa pagkain ay naapektuhan dahil sa laki ng populasyon. Kaya nga sinoman sana ang manalo sa next election, pagtuunan naman ng pansin ang lumalaking bilang populasyon natin. Sa bilang na 109M ilan ang multiplier natin?.

Ipagpalagay natin kalahati, so, taon-taon nagmu-multiply tayo. Ang resources natin paliit ng paliit. Kaya hindi nakapagtataka, ‘yung dating bukirin, kino-convert bilang residential land. Wala ng mapagtataniman.

Way back 70’s kung saan ang populasyon ay 37 M pa lang, pag sinabing rice granary of the Philippines, Central Luzon. Pero ngayon, ang Central Luzon, yung mga dating taniman, tinayuan na ng mga subdivision. E paano naman kasi, kailangan din ang matitirhan, dahil parami nga tayo ng parami..
Tingnan n’yo lang ang Metro Manila, crowded na crowded na rin. Kaya nga sabi ni Pangulong Duterte, magpalipas lang ng 10-15 years, ang Metro Manila kung hindi magde-decongest, magla-lockdown na ito.
Sa traffic lang problema na sa dami ng tao. Lahat nga kasi ay nagsisiksikan sa Metro Manila, bakit? Nandito ang hanapbuhay. Kaya maganda sana ang plano ni Marcos noon na I-decongest ang Metro Manila, kung tutuusin ay konti pa lang tayo noon.

Hindi nga ba kaya itinayo ang export processing zones sa Cavite, Bataan, Laguna Bulacan at Baguio para I-decongest ang Metro Manila?
Kaya nga lang ‘yung mga pumalit kay Marcos hindi ito itinuloy. Alam n’yo ba na ang mga proyekto ay itinutuloy ni Pangulong Duterte ? Ang blueprint ay kay Marcos pa rin. Kaya ang kailangan natin ay visionary leader.
Please follow and like us: