Hindi bababa sa 44 katao patay sa pag-atake ng Israel sa Gaza, istasyon ng pulis nadamay

0
Hindi bababa sa 44 katao patay sa pag-atake ng Israel sa Gaza, istasyon ng pulis nadamay

Palestinians gather at the site of an Israeli strike on a house, in Gaza City, April 24, 2025. REUTERS/Mahmoud Issa

Isang istasyon ng pulis ang tinamaan ng Israeli airstrike sa Jabalia sa northern Gaza Strip, na ikinamatay ng sampung katao ayon sa local health authorities, at ayon naman sa Israeli military, tinamaan nila ang isang command centre ng Hamas at Islamic Jihad groups.

Sinabi ng medics, na dalawang Israeli missiles ang tumama sa istasyon ng pulis, na malapit sa isang pamilihan, na nagresulta sa pagkakasugat ng dose-dosenang katao bukod pa sa sampung namatay. Ang pagkakakilanlan ng mga namatay ay hindi pa agad malinaw.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Israeli military na ang malinaw an tinutukoy ayang kaparehong insidente, na inatake nito ang isang command at control centre na ino-operate ng Hamas at ng allied Islamic Jihad groups sa Jabalia, na ginagamit ng mga militante upang pagplanuhan ang isagawa ang mga pag-atake laban sa Israeli forces.

Inakusahan nito ang Palestinian militant groups ng pag-exploit sa mga sibilyan at civil properties para sa kanilang military purposes, isang alegasyon na itinanggi ng Hamas at iba pang paksiyon.

Sinabi ng local health authorities na ang Israeli strikes ay ikinamatay ng hindi bababa sa 34 na iba pang mga tao sa magkakahiwalay na airstrikes sa buong enclave, kaya 44 na ang bilang ng mga namatay.

Ayon sa Gaza Health Ministry, naging non-operational na ang Durra Children’s Hospital sa Gaza City, isang araw pagkatapos na ang isang Israeli strike ay tumama sa itaas na bahagi ng gusali, na sumira sa intensive care unit at nagwasak sa solar power panel system ng pasilidad.

Walang namatay. Wala ring komento ang Israel sa insidente.

Nitong Huwebes ay sinabi ng Israeli military na siang sundalo ang namatay sa panahon nang labanan sa Gaza Strip, habang isang opisyal at isang reservist ang malubhang nasaktan.

Simula nang mabigo ang isang January ceasefire noong March 18, ang pag-atake ng Israel ay ikinamatay na ang mahigit sa 1,900 Palestinians, na ang marami ay mga sibilyan, ayon sa Gaza health authorities, at daang libo ang nawalan ng tahanan nang kubkubin ng Israel ang tinatawag nitong isang buffer zone ng Gaza.

Nabigo rin ang mga pagsisikap ng Arab mediators na Qatar at Egypt, na suportado ng United States, na papagkasunduin ang dalawang magkalabang partido. Ang Israel at Hamas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *