Hirit ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na special treatment sa traffic violations ibinasura ng Malakanyang

Kinontra ng Malakanyang ang hirit ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na special treatment sa mga kongresista na nasasangkot sa traffic violations.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag bigyan ng special treatment ang mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Abella dapat maging magandang ehemplo ang mga opisyal ng gobyerno sa pagsunod sa batas.

Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos hilingin ni Congressman Farinas na magamit ng mga mambabatas ang kanilang parliamentary immunity sa traffic violations upang hindi maabala sa kanilang legislative work.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *