Holdaper, arestado sa Quezon City

Isang holdaper ang arestado matapos mambiktima ng isang babae sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City kagabi.
Nanginginig na dumulog ang biktima sa QCPD Station-10.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga Barangay Tanod matapos magsumbong ang biktima.
Bagamat aminado ang suspect na nanghoholdap siya, itinanggi naman nito na siya ang nangholdap sa biktima.
Narekober sa holdaper ang mga wallet, mga ATM cards at cellphone na posibleng nagmula sa mga biktima.
Nakakulong na ngayon ang suspect sa QCPD Station 10.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *