Hong Kong, nasa storm signal #8 ngayon

Nakataas ngayon sa Hong Kong ang storm signal #8 dahil sa bagyong Higos na nagdadala ng mga pag-ulan at malakas na hangin simula pa kagabi.

Maraming negosyo at transaksyon ang pansamantalang kanselado dahil sa sama ng panahon habang nasa Yellow Rain Signal ang Hong Kong.

Ayon sa Hong Kong Observatory, palayo na ang bagyo at inaasahan ang unti-unti pagganda ng panahon sa mga susunod na oras.

Sa video report na ipinadala sa radyoagila.com ni BrodLeo, makikita ang sitwasyon sa pier area sa Hong Kong Central District.

Storm Signal #8 (report ni BrodLeo mula sa Hong Kong Central District)
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *