Hotel employee sa Pampanga, nagsauli ng bag na naglalaman ng 130,000 pesos cash

Isang empleyado ng isang hotel sa Mexico, Pampanga ang pinuri ng kaniyang mga ka-trabaho at superior dahil ibinalik nya ang isang bag na may lamang pera.

Ayon sa room guide na si Arjay Montemayor, pitong buwan pa lamang siyang nagtatrabaho sa hotel at kahit kinakapos ay hindi niya naisipang kunin ang bag na may laman palang pera.

Kuwento ni Montemayor, nakita niya ang bag sa tabi ng isang mesa nang maglinis siya sa isang hotel room matapos mag-checkout ng umokupa rito.

Aniya, itinurn over nya ang bag sa kaniyang superior, na siya namang nag-abot nito sa papaalis nang guest.

Ang 130,000 pesos na cash na laman ng bag ay nabatid na pampasuweldo sa mga tauhan ng nabanggit na guest.

Please follow and like us: