Iba pang opisyal ng Bucor, hinimok na magbitiw na rin sa puwesto matapos ang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Chief Nicanor Faeldon

Hinimok ni Senate President Vicente Sotto ang iba pang opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) na magsumite na rin ng courtesy resignation sa Pangulo matapos ang pagsibak kay Bucor chief Nicanor Faeldon.

Naniniwala si Sotto na hindi lang si Faeldon ang dawit sa anomalya sa pagpapalaya sa mga bilanggong nahatulan sa heinous crime at marami itong kasabwat sa Bucor.

Nauna nang ibinunyag ni Sotto kahapon na nagkaroon ng bayaran at milyon milyong piso umano ang ibinayad ng ilang bilanggo kapalit ng kanilang kalayaan at hindi talaga ito nakabatay sa ipinasang GCTA Law.

 Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *