Iba’t ibang transport group, maghahain ng petisyon sa LTFRB hinggil sa P2 dagdag pasahe

Ngayong araw ay inaasahan tutungo sa LTFRB ang ilang transport group upang maghain ng fare hike petition.

Kabilang sa mga inaasahang maghahain fare increase petition ay ang Pasang Masda, ACTO, ALTODAP, LTOP at FEJODAP.

Kapag pinagbigyan ng LTFRB ang petisyon ng mga nabanggit na grupo, mula walong pisong minimum na pasamahe ay magiging sampung piso na.

Dahilan ng mga Jeepney Drivers at Operators kaya naghain ng fare increase petition ay dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, matinding daloy ng trapiko at mahal na halaga ng spareparts.

Humihingi rin sila ng pang-unawa sa mga mananakay dahil matagal na silang  nagtitiis sa kakarampot na kinikita sa kanilang pamamasada.

Ulat ni: Bea Miranda

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *