IBP nakikiramay sa pamilya ng Pinoy na abogado na pinatay sa US

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pamilya ng Pilipinong abogado na si John Albert Laylo na binaril habang nasa bakasyon sa US.

Pumanaw si Laylo ilang oras matapos barilin sa ulo ng mga salarin.

Sa statement ng IBP, kinundonena rin nito ang senseless shooting incident.

Umaasa ang IBP na mahuhuli ng US authorities sa lalong madaling panahon ang mga suspek at mabigyan ng hustisya ang naiwang pamilya ng abogado.

Sa inisyal na report ng mga otoridad sa Philadelphia ay lumalabas na mistaken identity o random shooting ang nangyari.

Moira Encina

Please follow and like us: