IED natagpuan sa isang bus sa Dasmarinas Cavite

Isang improvised explosive device ang natagpuan ng mga otoridad sa isang pampasaherong bus sa Dasmarinas Cavite.

ayon sa mga otoridad,  nakatanggap sila ng tawag mula sa ilang pasahero ng Jasper Jean bus hinggil sa kahina-hinalang bag.

Bumibyahe mula Navotas hanggang Dasmarinas ang naturang bus.

Nasa Aguinaldo Highway na ang bus nang mapansin ng pasahero na si Ryan Denver Lopez ang gray na backpack na iniwan sa ilalim ng kanyang upuan.

Nakita sa loob ng bag ang improvised explosive device o IED, cellphone at baterya na maaring maging sanhi ng pagsabog.

Sasailalim na sa digital forensic examination ang nadiskubreng cellphone para malaman kung sino ang nag-iwan ng pampasabog.

Please follow and like us: