Iglesia Ni Cristo , pinasalamatan ng Malakanyang sa pagsuporta sa tambalang BBM-Sara

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo sa pagsuporta sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte para sa halalan sa Mayo 9.

Ginawa ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar ang pasasalamat sa kanyang Press Briefing sa Malakanyang.

Sinabi ni Andanar sa kanyang pagkakaalam ay nakapagpasalamat narin sina BBM at Sara sa suportang ibinigay ng Iglesia ni Cristo.

Nauna rito ay inihayag ni Andanar na batay sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino magkakaroon ng malinis at mapayapang halalan sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: