Ika-12 taong pagkakatatag ng Freeport area of Bataan, ipinagdiwang ngayong araw

Ipinagdiwang ngayong araw ng Authority of Freeport Area of Bataan (AFAB), ang ika-12 taong pagkakatatag ng Freeport Area of Bataan (FAB) kaalinsabay ng ika-4 na State of the Freeport Address ni AFAB Administrator Eng.Emmanuel Pineda.

Ang AFAB ay nagmula sa Bataan Economic Zone na dating Bataan Export processing zone na mayroon lamamg 30 kompanya at 12 libong manggagagawa, subalit mabilis itong lumago sa 36,000 na mga manggagawa at 90 mga kompanya, matapos malagdaan noong October 2009 ang RA 9728 o FAB Law.

Sinabi ni Pineda, na sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ay nanatiling bukas ang freeport kahit sa panahon ng pandemya.

Katunayan ay nakapagremit ang freeport ng 164 milyong piso sa national government mula Enero hanggang Agosto 2021

Ipinagmalaki rin ni Pineda ang umbrella program ng freeport na FABayanihan, kung saan naipamahagi ng DSWD ang 25 milyong piso sa 8,339 FAB workers na benipisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD, sa tulong ng tanggapan ni Sen.Bong Go at Bataan Cong.Joet Garcia.

Binuksan din ng freeport ang 1Bataan FABakuna Center, kung saan umabot na sa mahigit 19 thousand FAB workers ang nabakunahan o katumbas ng 78.9%.

Ayon pa kay Pineda, kapag naging fully operational na ang 16 na FAB expansion areas sa 8 munisipalidad sa Bataan, ay magbibigay ito ng nasa 100 libong trabaho hindi lang sa mga bataenyo kundi maging sa mga taga karatig probinsya sa sektor ng agrikultura, industrial, digital technology at township.

Larry Biscocho/Josie Martinez

Please follow and like us: