Ika-anim na batch ng Dengvaxia complaints nakatakdang ihain ng PAO sa DOJ sa Nobyembre

Mahigit 100 panibagong Dengvaxia complaints ang planong ihain ng Public Attorney’s Office sa DOJ sa Nobyembre.

Sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na kabuuang 102 reklamo ang kanilang nakatakdang isampa.

Ang mga ito ay kinasasangkutan ng mga batang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia habang ang isa ay kaso ng survivor.

Ayon kay Acosta, ang mga panibagong reklamo ang bubuo sa ika-anim na batch ng Dengvaxia complaints

Sa kasalukuyan, mayroon pang 40 pending na Dengvaxia complaints sa DOJ.

Moira Encina

Please follow and like us: