Ikalawang bugso ng dagdag ₱1,000 sa SSS pension, makukuha na ngayong araw

Matatanggap na ngayong araw ang ikalawang bugso ng isanlibong pisong (₱ 1,000) dagdag-pensyon sa SSS o Social Security System.

Ayon sa SSS, naideposito na ang dalawang bilyong pisong dagdag pensyon para sa dalawang milyong benepisyaryo.

Sa Marso 17 naman matatanggap ng mga pensyonado ang ikatlong tranche ng dagdag-pensyon mula noong Enero.

Sabay nang matatanggap ng mga pensyonado ang dagdag na isanlibong piso (₱1,000) sa kanilang regular na pensyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *