Ikatlong kaso ng monkeypox virus sa bansa , nakarekober na

Nakarekober na ang ikatlong kaso ng monkeypox virus sa bansa.

Ayon kay DOH O-I-C Maria Rosario Vergeire, ang nakatapos ito ng home isolation at nabigyan na ng clearance ng kanyang doktor noong September 8.

Lahat naman ng 17 close contact nito hindi nakitaan ng sintomas.

Ang Ika apat na kaso naman ay nakalabas na ng Ospital noong September 15 pero patuloy parin siyang naka isolate sa bahay.

Sinabi naman ni Vergeire, gumaling na rin ang mga sugat nito at wala ng rashes.

Sa 20 close contacts naman nito 1 nalang ang naka isolate pero lahat sila ay asymptomatic.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: