Ilan pang mga Consular office ng DFA, nagsuspinde ng operasyon ngayong araw sanhi ng bagyong Quinta

Tatlo pang DFA Consular offices ang nagsuspinde ng kanilang operasyon ngayong araw, October 26, sanhi ng bagyong Quinta.

Ito ay ang mga tanggapan sa San Pablo, Laguna; Lipa sa Batangas; at Legazpi sa Albay.

Ito ay ang mga tanggapan sa San Pablo, Laguna; Lipa sa Batangas; at Legazpi sa Albay.

Inaabisuhan ang mga apektadong aplikante na pumili na lamang ibang appointment schedule sa pamamagitan ng email sa mga nasabing tanggapan.

Sa Consular office sa San Pablo, Laguna – [email protected]

Sa Lipa city Batagas naman ay [email protected]

at sa Legazpi city, Albay ay [email protected]

Kailangan lamang isumite ang Pangalan, Araw ng Kapanganakan, Original appointment date at time at Preferred date and time of new appointment.

Kung ang aplikante naman ay kailangan ng emergency consular service ay maaaring kontakin ang mga tanggapan sa pamamagitan ng email address.

Nauna nang inanunsyo ng DFA consular office sa Lucena, Quezon na suspendido ang kanilang operasyon ngayong araw dahil sa bagyong Quinta.

Please follow and like us: