Ilan pang mga hukuman sa bansa sarado dahil sa mga kaso ng Covid-19

Inanunsyo ng Supreme Court Public Information Office na pisikal na sarado ang ilan pang mga korte sa bansa dahil sa mga naitalang kaso ng Covid-19.

Sa abiso ng SC PIO, naka-lockdown ang Makati City Regional Trial Court Branch 66 mula September 22 hanggang September 28, 2020.

Ito ay para sa isasagawang disinfection, contact tracing, at swab testing sa mga kawani ng hukuman na nagkaroon ng close contact sa nagpositibong court personnel.

Sarado rin hanggang sa October 2 ang Branch 1 ng Angeles City Municipal Trial Court in Cities para din sa sanitation, contact tracing at testing dahil sa kumpirmadong kaso ng Covid sa hukuman.

Maaari namang kontakin ang mga nasabing korte sa kanilang email addresses at hotlines.

Moira Encina

Please follow and like us: