Ilan pang mga Korte sa bansa sarado hanggang sa Setyembre matapos mag-positibo sa Covid-19 ang ilang kawani

Sarado hanggang sa September 6 ang San Jose Del Monte, Bulacan Municipal Trial Court in Cities Branch 2 makaraang mag-positibo sa Covid-19 ang isang kawani.

Sa memorandum ni Executive Judge Ryan Philipp Bartolome, inotorisa nito ang lahat ng court personnel ng Branch 2 ng MTCC na mag-work from home pansamantala mula August 24 hanggang September 6, 2020.

Samantala, pisikal na sarado hanggang sa September 3 ang Dagupan City Regional Trial Court Branch 42.

Alinsunod sa memorandum ni Executive Judge Caridad Galvez, ito ay para bigyang-daan ang isasagawang  disinfection sa lugar at contact tracing matapos magka-Covid ang isang court personnel.

Inatasan din ang mga kawani na nagkaroon ng close contact sa nagpositibong empleyado na sumailailim sa PCR swab test.

Nilinaw naman na tuloy ang court operations  at maaaring magsagawa ng videoconference hearings at tumanggap ng mga pleadings via email.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: