Ilan pang mga palengke at talipapa sa Bacoor city, isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa temporary lockdown ang ilan pang mga palengke at talipapa sa lunsod ng Bacoor.

Kabilang sa mga isinailalim sa lockdown ay ang talipapa sa Bayanan, RASC Wet and Dry sa Molino 1, at Wet and Dry sa Molino 3. 


Paalala ng City Govt. of Bacoor na ang 678 Market ay sarado hanggang September 25; Molino Wet and Dry Market hanggang September 26; Bayanan Market at Molino 1 Market o RASC Market hanggang September 19.

Samantala, habang naka-temporary lockdown ang mga naturang pamilihan ay isinasagawa naman ang disinfection and sanitation procedure mga naturang lugar para maiwasan na ang pagkalat at pagkahawa ng Covid 19.


Panawagan naman ng City Govt. of Bacoor sa publiko na nagpunta sa mga nabanggit na palengke na, makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Emergency Response Team at Homeowners Association Health Emergency Response Team kung  may mga nararamdamang nang sintomas ng Covid-19.

Jet Hilario

Please follow and like us: