Ilang bayan sa Pampanga, makararanas ng Power interruption sa Sabado, Abril 24


Makararanas ng power interruption ang mga bayan ng Guagua, Sasmuan at Lubao sa Pampanga sa Sabado, Abril 24.

Sa advisory na ipinalabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil sa isasagawang maintenance sa PELCO II mula sa mga power generators.

Ang interruption ay magsisimula alas-6:00 ng umaga ng Abril 24 hanggang alas-6:00 ng gabi.

Arnold Batario, EBC Correspondent

Please follow and like us: