Ilang bayan sa Rizal, walang pasok dahil sa malakas na buhos ng ulan

Suspendido ang pasok sa ilang bayan sa Rizal ngayong  Miyerkules, August 2, 2017.

Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Cainta, Taytay, Teresa, Baras at Morong Rizal.

Simula pre-school hanggang senior highschool naman ang suspensiyon sa Angono at Antipolo.

Base sa abiso ng PAGASA,  apektado ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Metro Manila partikular ang Marikina, Taguig at Mandaluyong.

Apektado rin ng Thunderstorm ang mga bayan ng Angono, Antipolo, Cainta, Teresa at Morong Rizal.

Habang sa susunod na mga oras, makararanas na rin ng thunderstorm ang nalalabing bahagi ng Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas at Laguna.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *