Ilang domestic at international flights sa NAIA, kanselado dahil sa bagyo

Aabot sa 39 domestic flights at dalawang international flights sa Ninoy Aquino International Airporrt (NAIA) ang kinansela ngayong araw dahil sa Bagyong Karding.

Ito ay batay sa pinakahuling flight advisory na inisyu ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Kabilang sa airline companies na may kanseladong flights ang AirAsia Philippines, Philippine Airlines, AirSWIFT, at Cebu Pacific.

Ilan sa mga apektadong biyahe ay ang Manila-Cagayan- Manila, Cebu- Manila, Davao-Manila, Manila- Busuanga, Manila-Calbayog-Manila,Manila-Basco-Manila, Manila-Legazpi, at Manila-El Nido.

Gayundin, ang ilang biyahe papuntang Zamboanga, Cagayan de Oro, Puerto Princesa, Bacolod, Caticlan, Iloilo, Butuan, General Santos, at Tacloban.

Sa international flights, apektado ang biyahe mula Singapore at Denpasar pabalik ng Maynila.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.