Ilang flights ng Cebu Pacific sa Clark International Airport, kanselado

Kinansela na ng Cebu Pacific ang ilang flights nito sa Clark International Airport dahil sa nangyaring lindol.

Ayon kay Chado Logarta ng Cebu Pacific, bahagi ito ng pre emptive measure.

Kabilang sa mga kinanselang flights ang 5JClark na patungong Hongkong at pabalik ng Clark, 5J 379 mula Clark patungong Macau, 5J 608 Clark patungong Cebu at pabalik ng Clark.

 Maari namang mai rebook ang flights sa loob ng tatlumpung araw.

Sa ngayon kanselado muna ang operasyon ng Clark habang hindi pa natatapos ang assesment.

Samantala, kinumpirma ni MIAA General Manager Ed Monreal na wala namang naitalang damage sa Ninoy Aquino International Airport.

Business as usual sa paliparan matapos ang isinagawang inspeksyon kanina.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *