Ilang hall of justice sa bansa sarado para sa disinfection ng gusali

Pisikal na sarado ang ilang hall of justice sa bansa para bigyang-daan ang gagawing disinfection sa lugar dahil sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ang mga ito ay ang mga bulwagang pangkatarungan ng Tagum City, Batangas City, at Butuan City.

Ang Tagum City Hall of Justice ay naka-lockdown mula October 21 hanggang November 4 para sa sanitation matapos magpositibo ang isang piskal na nakatalaga sa RTC Branch 31.

Isasara naman mula October 29 hanggang 30 ang Butuan City Hall of Justice para rin sa disinfection.

Half-day naman ang pasok ng mga kawani ng Batangas City Hall of Justice nitong Huwebes, October 22 para sa mandatory disinfection makaraang may mag-positibong kawani ng PAO Batangas City District Office.

Tuloy naman ang operasyon ng mga korte sa mga nasabing hall of justice sa pamamagitan ng hotlines at email address at otorisado silang magsagawa ng videoconferencing hearings habang naka-lockdown.

Moira Encina

Please follow and like us: